Halos manlumo at hindi makapaniwala ang content creator na si Rendon Labador na tuluyan nang nabura ang kanyang Facebook page dahil pinagkaisahan itong i-mass report ng netizens. Base sa in-upload niyang sunud-sunod na Instagram Stories, nangyari ang pagkabura ng kanyang Facebook account nitong Huwebes, September 7, 2023. Mababasa sa post ni Rendon (published as is) “UPDATE as of today at 12noon September 7, 2023. “Binura na ako sa facebook ng Pilipinas.” Sa isa pang post, humingi ng paumanhin ang controversial social media influencer sa kanyang mga tagasuporta, kalakip ang pasasalamat sa mga nagpaabot ng mensahe sa kanya. Aniya, “Pasensya na sa lahat ng taga suporta natin at kasalukuyan na hindi ako makapaniwala at nagulat sa pagkawala ng aking facebok page. “Nag papasalamat ako sa mga taong naniniwala at nag papadala ng mensahe ngayon. “Upload ko ang #OfficialStatement sa aking YT [YouTube] account tungkol dito. “Pasensya na at paralisado kaming lahat dahil dito sa pangyayari.” Dagdag pa niya, “Pilipinas, I will be back soon! #staymotivated.” Bukod sa kanyang Facebook main page, inanusiyo rin ni Rendon na maging ang kanyang personal at secondary Facebook account ay napagdiskitahan ding ipabura sa pamamagitan ng mass report. Mensahe ni Rendon, “Sa lahat ng business partners
Read More
Rendon Labador gets demotivated after Facebook ban – PEP.ph

Rendon Labador gets demotivated after Facebook ban – PEP.ph